Who is Miss Glitchee?

WHO IS MISS GLITCHEE™?
I am who I am, I am in the act of creating myself, and I can only do that in the space of who I am not--
and so I have carefully created who I am not in order to experience who I actually am.^^

Thursday, December 12, 2013

MERALCO-- MGA KWENTONG HIKES ATBP.


December nanaman, panahon na ng mga Christmas bonuses, 
pero imbes ma-enjoy ni ordinary Juan ang kaniyang 13th month pay,
mas problemado siya sa P4.15 per kilowatt hour power rate hike ng Meralco.
Kulang kulang Php 500 - 1000 (o higit pa) na dagdag gastos yan kada buwan sa isang ordinaryong pamilyang Pinoy.
Pero wag mag-alala, in tranches naman daw yan eh, para di tayo mabigla, slowly but surely para walang aray ika nga.
Mararamdaman lang natin ang buong dagdag singil pagdating ng March, in time sa summer,
kung kailan pinakamataas ang konsumo ng kuryente natin.
Perfect timing!

Wala tayong choice, aprubado na yan ng ERC (Energy Regulatory Commission).
Dahil daw yan sa mga system loss at kung anu-anong loss ng bigtime kompanya.
Na pag-aari ng mga multimillionaires, top ranking earners ng bansa,
na biktima lang rin daw ng palpak sa Malampaya.
Magkano ba ang net worth nila? 
Nga naman, kabawasan yan sa 9-digits nilang pera kung nagkataon.

Habang andyan sina Manong Driver, na dahil sa sunod sunod na ring  oil price hike, pagtaas ng presyo ng mga spare parts, tuition fee ng mga anak, sabon na panlaba ni misis, etsetera etsetera,
ay humihingi rin ng additional P2.00 para sa minimum fare ng jeepney.
Magkano kaya ang madadagdag ng P2.00 sa kita nila? P500 kada araw?
Yun ay kung walang hapit na kotong cop sa kantong dadaanan nila.

Di ko alam kung kulang lang ako sa panonood ng balita, pero tingin ko higit ang ingay at pagtutol, di lang ng gobyerno, kundi maging ng masa sa P2.00 minimum jeepney fare hike na ito kesa sa daan daang taas din ng singil sa kuryente.
Mas duwag nga ba tayong labanan at kontrahin ang Meralco,
mas madali nga namang magreklamo laban sa ordinaryong mga tao.
Madaming kesyo kesyo, di pa raw napapanahon ang fare hike,
di pa raw sapat ang oil price hike para magreklamo (dahil taas baba naman daw ito),
kaya pa naman daw mabuhay sa halagang P8.00 pasahe sa jeepney mo.

Oo, domino effect ang mangyayari sa presyo ng ibang bilihin sa pagtaas ng minimum fare,
kaya nga higit na dapat pang pag-ukulan ng pansin ang pagpapababa ng presyo ng diesel para sana maiwasan na ang paghingi ng dagdag pasahe.
Dahil sa totoo lang, mas malaking "loss" ang kailangang bunuin ng mga mamang tsuper para disenteng mabuhay.
Disente lang, hindi para magkamal ng yaman.

Hindi ako komunista, ni hindi ako naging aktibista, pero hindi ba sa ganitong mga sitwasyon mapapaisip ka?
Gatasan na lang ba tayo ng mga Forbes listers?
(Aside sa money machine tayo ng mga corrupt na politiko.)
Kung iisipin, sino nga ba ang higit na nakikinabang sa laman ng payslip mo?

Ewan ko, pero kung tutuusin, mas masarap sa bulsa kong magbigay ng dalawang pisong dagdag bayad kay manong driver kada sakay ko ng jeep nya.
Wala pa yang hidden and addtional charges, walang interes pag nadelay ang pagbayad mo.
Pwede pa nga yang pakiusapan pag kulang ang barya mo o pag naiwan ang wallet mo.
Pwede ring sumabit pag kulang ang baon mo.
Pwede pang kandong pag nagtitipid ang nanay mo.
Kaya di ko lubos maisip bakit mas apektado pa tayo sa baryang hiling na to.

May nabasa ako dati, something about big government, small people.
Sabi sa pilosopiyang yun, pattern nga daw na mas naseset-aside ng gobyerno ang concerns ng maliliit na tao.
Mas pumapabor sila sa mas malalakas na kompanya (with or without direct intention).
Sa dami ng sinabi ni BS Aquino kailan lang, isang bagay ang tama at tanda ko, na hindi dapat umasa ang tao sa gobyerno.
Tama nga naman si Mr.President.
Lalo kung palpak na ito.

Sa ngayon,
"Bahala kayo sa buhay nyo!"




**This photo does not include the recent figures of price hikes.

No comments:

Post a Comment