From my ONCE UPON A TIME to your HAPPY EVER AFTER-- scribbling ideals, emotions and beliefs.^^
Who is Miss Glitchee?
WHO IS MISS GLITCHEE™?
I am who I am, I am in the act of creating myself, and I can only do that in the space of who I am not--
and so I have carefully created who I am not in order to experience who I actually am.^^
Thursday, August 29, 2013
MAGNANAKAW LABAN SA KAPWA MAGNANAKAW
Ginang Janet Napoles,
Lubos kong ikinagulat ang inyong biglaang pagsuko kay Pangulong BS Aquino III kagabi. Aaminin ko, kahit papaano ay mayroon akong konting respeto nadama para sa iyo, sa kadahilanang hindi mo ginamit ang gasgas na diskarte ng maraming high-profile corrupts na pagsuko laman sa isang wheelchair at pagdaing ng karamdaman upang makapagbakasyon lamang sa isang pagamutan.
Subalit alam kong tuso ka, bilang nagawa mong nakawan hindi lamang ang mga taong bayan kundi ang pinakamatataas na sangay ng ating pamahalaan. Kaya hindi magiging katakataka kung isang araw ay malusutan mo rin ang gusot na ito at makaisip ng bagong high-profile corrupt escape act.
Pinagiisipan ko pa rin hanggang ngayon kung maniniwala ako na nagawa mo ngang isahan ang mga senador at kongresistang nagpatuta sa iyo, o ikaw ang biktima nila bilang isang epic fall guy.
Isa sa mga araw na ito ay maaaring ipatawag ka sa kongreso o sa senado, na minsang naging mga gatasan mo, at bilang nakapagpasasa ka nanaman at ang iyong pamilya sa limpak limpak na pera naming lahat na sa malamang sa malamang ay hindi na namin mababawi pa, maaari ba Ginang Napoles na ikanta mo na ang lahat ng tunay na nangyari at i-deny mo ang pagiging isang state witness kung sakaling ialok ito sa iyo. Konting hiya lang naman po ang hinihiling naming lahat.
Sana ay hindi parte ng isang lutong plano ang pagsuko mo upang makatakas ang mga mas makapangyarihan pang kurakot kaysa sa iyo. At kung ito man ay isang stratehiya lamang nila ng paggamit sa inyo, sana Ginang Napoles ay gawin mo na ang tama sa pagkakataong ito. Hindi porket magnanakaw ay hindi na pwedeng manindigan pa laban sa mas malalaking magnanakaw.
Magbabantay kami sa iyo.
Tuesday, August 20, 2013
PINOY OPEN LETTER
Sa aking empleyado na nagsabing BOSS nya ako,
Ayos lang ba kung tawagin na lang kitang BS?
Tutal initials mo naman yun at sa araw na to ganyang ganyan din ang tingin ko sayo at sa mga minions mo-- total BS.
Di ako makatulog kasi ang ingay ni Maring, pero mas di ako makatulog sa mga nakita kong balita tungkol sa di na matuwid tuwid na daan mo.
Siguro naman kilala mo si Janet di ba? Ayon BS din yun. Di ko lang nga alam kung sinong mas BS sa inyo. Di ko din tiyak kung epic fallguy nyo lang sya, pero isang linggo na rin yata akong badtrip sa kanya.
Oo alam ko sabi nung may bookbound na report, yung bilyones daw ni janet naipon nya nung di mo pa 'ko boss, pero duhhh gang ngayon naman pork-fan pa din kayo di ba?
BS lang kasi pag naiisip ko gaano ka-BS pakiramdam na yung nakakaltas sana sa sahod ko na ninanakaw naman pala nyo eh nagamit ko na lang.
Ilang manicure pedicure din yun. Ilang perm at rebond.
Ilang sine with popcorn. Ilang buwang pambayad sa mga bills na may hidden at overcharges.
Ilang budget pambisita sa Divisoria.
Ilang pantaxi na sana yun para nakaiwas man lang akong mamaltos.
Ilang sarsi float date na yun kasama ang nanay ko.
Ilang workbook na ng kapatid ko. Ilang litrong diesel na sana ng tatay ko.
Hindi kaya madaling magtrabaho.
Ilang kili-kili muna sa MRT ang aamuyin mo bago ka makapasok.
Prerequisite pa ngayon ng empleyado ang pagiging waterproof at buoyant sa panahon ng bagyo.
See? Di lang namin pinagpawisan yang pini-PDAF nyo, pinaglanguyan din namin yan.
So sana kung kami nga yung boss mo, bilang dapat ang mga boss naman ang madalas masusunod, tantanan nyo na ng mga minions mo yung PDAF.
Husto at sobra na naman siguro yung mga naipon nyo. Ilang generation ba kse pinag-iipunan nyo?
Eh malapit na nga daw yung end of the world di ba, so wag na kayo masyado magreserba para sa mga apo ng apo ninyo. Wag masyado bwakaw, greed is a sin kaya. Iwas na sa pork, ma-cholesterol yun, try nyo rin mag vegetarian pag may time. Para everybody happy, hindi yung kayo-kayo lang.
Mula sa iyong dismayadong BOSS.
Subscribe to:
Posts (Atom)